1 patay, 21 sugatan sa aksidente sa Rodriguez, Rizal

By Len Montaño November 13, 2019 - 12:54 AM

Courtesy of Montalban Rescue team

(Updated as of 5:30am) Isa ang nasawi habang 21 ang nasugatan matapos sumalpok ang isang pampasaherong jeep sa isang trak sa Zigzag Road sa Brgy. San Jose sa Rodriguez, Rizal, Martes ng gabi.

Kinilala ang namatay na si Estelita Sumulat, 62 anyos, na nagtamo ng matinding pinsala sa aksidente.

Nawalan umano ng kontrol sa manibela ang driver ng jeep habang binabagtas ang palusong na kalsada.

Dahil pababa ay lumusot sa kabilang lane ang jeep at bumangga sa Elf Truck.

Ang mga sugatan ay mga pasahero ng jeep na galing sa Commonwealth Avenue.

Tinanggal na sa lugar ang dalawang sasakyan para hindi magdulot ng trapik.

Kasalukuyan pang ginagamot sa Ynares Medical Center ang mga nasugatan sa aksidente.

Posibleng maharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide, physical injuries and damage to property ang drayber ng jeep.

TAGS: 1 patay, aksidente, higit 10 sugatan, Jeep, nawalan ng kontrol, palusong, Rizal, Rodriguez, trak, 1 patay, aksidente, higit 10 sugatan, Jeep, nawalan ng kontrol, palusong, Rizal, Rodriguez, trak

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.