34 sa 46 escalators ng MRT-3 nagagamit na

By Len Montaño November 13, 2019 - 12:20 AM

Inihayag ng Department of Transportation (DOTr) na nadagdagan ang mga escalator ng MRT-3 na nagagamit na.

Ayon sa DOTr, nasa 34 sa 46 escalators ng MRT-3 ang fully operational na.

Ito ay kasunod ng isinagawang repair ng maintenance provider na Sumitomo-MHI-TESP.

Pinakahuli sa mga naayos ang dalawang escalator sa southbound ng Boni Station at southbound ng Ayala Station.

Ayon sa ahensya, ang pag-aayos ng escalators ay bahagi ng malawakang rehabilitasyon ng MRT-3.

Target ng Sumitomo na gumana ang lahat ng escalators ngayong taon na ilang buwang mas maaga sa orihinal na deadline ng pagsasaayos ng escalators gayundin ang elevators.

 

TAGS: dotr, elevator, escalator, fully operational, mrt-3, rehabilitasyon, sumitomo, dotr, elevator, escalator, fully operational, mrt-3, rehabilitasyon, sumitomo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.