Grupong nag-vandalize sa Lagusnilad underpass dumipensa

By Len Montaño November 12, 2019 - 11:58 PM

Matapos akuin ang responsibilidad sa vandalism ng Lagusnilad underpass sa Maynila, dumipensa ang grupo ng mga kabataan sa kanilang ginawa.

Iginiit ng grupong Panday Sining na mas mahalaga ang mga isyu at problema sa bansa kaysa sa kanilang nagawa.

Sa pahayag araw ng Martes, humingi ang Panday Sining ng pang-unawa ng publiko pero nanindigan sila na dapat matalakay ang mga isyu gaya ng kahirapan, patayan at pag-atake sa mga kritiko.

“To the public: sorry for the inconvenience, but the matter and issues at hand are urgent. Left and right, ordinary people are being killed or jailed for criticizing this corrupt and fascist government,” pahayag ng grupo.

Bukod sa batikos sa social media ay nagalit si Mayor Isko Moreno sa “graffiti” o pagsusulat ng grupo sa kakalinis lamang na Lagusnilad underpass.

Sinabi ng alkalde na ipapadila niya sa mga taong nagsulat sa underpass ang ginawa ng mga ito sa pader.

Kabilang sa mga isinulat ng grupo ang pagtaas ng sweldo at pagbaba ng presyo ng mga bilihin gayundin ang pagtutol sa martial law sa Mindanao.

TAGS: graffiti, Lagusnilad, Mayor Isko Moreno, Panday Sining, underpass, vandalism, youth group, graffiti, Lagusnilad, Mayor Isko Moreno, Panday Sining, underpass, vandalism, youth group

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.