#WalangPasok: Miyerkules, November 13, 2019

By Len Montaño November 12, 2019 - 10:40 PM

Walang klase sa ilang lugar sa bansa sa araw ng Miyerkules, November 13, 2019 dahil sa masamang panahon.

Nagsuspinde ng klase sa buong lalawigan ng Northern Samar sa lahat ng antas.

Wala ring pasok sa lahat ng public at private schools, all levels, sa Palapag, Northern Samar.

Ang class suspension ay bunsod ng pag-uulang dulot ng Bagyong Ramon.

Sa pagtaya ng Pagasa, kasama ang Northern Samar sa mga lalawigan na magkakaranas ng pag-uulan.

 

TAGS: Bagyong Ramon, class suspension, masamang panahon, Pagasa, walangpasok, Bagyong Ramon, class suspension, masamang panahon, Pagasa, walangpasok

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.