MMDA, magsasagawa ng traffic plan dry run para sa 30th SEA Games
Pangungunahan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang simulation exercise sa opening ceremony ng 30th Southeast Asian (SEA) Games sa Huwebes, November 14.
Ayon sa MMDA, isasagawa ang naturang exercise sa EDSA at ilang pangunahing kalsada.
Magmumula ang mga convoy ng mga atleta at delegado sa iba’t ibang hotel sa Metro Manila at maging sa bahagi ng Southern Luzon, Clark at Subic.
Ipapadaan ang mga convoy sa yellow lane sa EDSA papunta sa Philippine Arena.
Magpapatupad din ng stop-and-go traffic scheme sa kasagsagan ng dry run.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.