Ayon Kay SSS President at Chief Executive Officer Emelio De Quiros Jr. parehong may consequences sa 2.15 milyon na pensyonado at 31 milyon na mga miyembro ng state pension fund ang naturang panukalang batas.
Kakailanganin kasi aniya ng ahensiya ng hindi bababa sa P56 million para bayaran ang mga pensioner kada taon kapag ipinilit ang P2,000 umento sa pensiyon.
Ang masaklap ayon kay De Quiros ay masasaid pagsapit ng taong 2027 o 11 taon mula ngayon ang pondo ng SSS, sa halip na tumagal ang kasalukuyang pondo ng hanggang 2042 kung igigiit ang implementasyon ng across-the-board pension increase.
Ibig sabihin ay iikli ang buhay ng pondo ng ahensiya na lubhang makaapekto aniya sa 33 milyong mga miyemrbo nito, mga pensyunado, at kanilang mga benepisyaryo.
Ayon kay De Quiros, mas mataas ang kuleksyon ng Government Service Insurance System (GSIS) kaya mas mataas din ang pensyon na tinatanggap ng kanilang mga miyembro.