SSS isinalba ni PNoy sa pagiging bangkarote ayon sa Pamunuan ng state pension fund

By Ricky Brozas January 18, 2016 - 01:00 PM

sss_logo_0Denipensahan ng pamunuan ng Social Security System o SSS ang desisyon ni Pangulong Benigno Aquino III na i-veto o ipawalang-bisa ang House Bill 5842 na naglalayong dagdagan ng P2,000 ang kasalukuyang buwanang pension ng mga miyembro ng ahensiya.

Ayon Kay SSS President at Chief Executive Officer Emelio De Quiros Jr. parehong may consequences sa 2.15 milyon na pensyonado at 31 milyon na mga miyembro ng state pension fund ang naturang panukalang batas.

Kakailanganin kasi aniya ng ahensiya ng hindi bababa sa P56 million para bayaran ang mga pensioner kada taon kapag ipinilit ang P2,000 umento sa pensiyon.

Ang masaklap ayon kay De Quiros ay masasaid pagsapit ng taong 2027 o 11 taon mula ngayon ang pondo ng SSS, sa halip na tumagal ang kasalukuyang pondo ng hanggang 2042 kung igigiit ang implementasyon ng across-the-board pension increase.

Ibig sabihin ay iikli ang buhay ng pondo ng ahensiya na lubhang makaapekto aniya sa 33 milyong mga miyemrbo nito, mga pensyunado, at kanilang mga benepisyaryo.

Ayon kay De Quiros, mas mataas ang kuleksyon ng Government Service Insurance System (GSIS) kaya mas mataas din ang pensyon na tinatanggap ng kanilang mga miyembro.

TAGS: SSS pension hike, SSS pension hike

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.