Mga magsasaka dapat bigyan ng tig-P12,000 sabi ni Sen. Risa Hontiveros
Itinutulak ni Senator Risa Hontiveros na mabigyan ng P12,000 ang bawat magsasaka bunga ng labis na pagkalugi sa napakababang halaga ng palay.
Inilatag ni Hontiveros ang panukala sa 10th National Congress ng Pambansang Kilusan ng mga Samahang Magsasaka o Pakisama sa Rizal.
Aniya ang halaga ang ituturing na ‘bayad lugi’ o pambawi sa labis na pagkalugi bunga ng pagbaha ng imported rice.
Itinutulak din ng senadora ang agarang pagpapalabas ng P6.5 bilyon para pantulong sa mga lokal na magsasaka.
Una nang kinumpirma ng Philippine Statistics Authority (PSA) na nasa P10 na lang ang kada kilo ng palay na pinakamababa na sa loob ng walong taon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.