Babae, patay matapos saksakin ng kapatid sa Parañaque City
Patay ang isang babae matapos pagsasaksakin ng nakababatang kapatid na lalaki sa Parañaque City, Lunes ng hapon.
Ayon sa Parañaque police, nakilala ang biktimang si Arlene Monaerrate, 63-anyos, at ang suspek na si Warren Guadarrama, 55-anyos.
Lumabas sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya na nagkaroon ng alitan ang magkapatid sa kanilang bahay sa Barangay Don Galo dahilan kaya nauwi sa saksakan.
Nagtamo ng maraming saksak sa katawan si Monaerrate.
Isinugod pa sa Ospital ng Parañaque ang biktima ngunit nasawi rin kalaunan.
Dinala na ang suspek sa kustodiya ng pulisya at mahaharap sa kasong homicide.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.