Bagyong #RamonPH, bahagyang bumagal habang binabagtas ang direksyong pa-Kanluran

PAGASA photo

Bahagyang bumagal ang pagkilos ang Tropical Depression Ramon habang binabagtas ang direksyong pa-Kanluran.

Batay sa severe weather bulletin ng PAGASA bandang 5:00 ng hapon, huling namataan ang sama ng panahon sa layong 670 kilometers Silangang bahagi ng Borongan City, Eastern Samar bandang 4:00 ng hapon.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 70 kilometers per hour.

Nakataas pa rin ang Tropical Cyclone Wind Signal no. 1 sa Eastern Samar at Silangang bahagi ng Northern Samar.

Samantala, dahil sa bagyo, asahan naman ang mahina hanggang sa katamtaman na kung minsan ay malakas na pag-ulan sa Bicol Region, Northern Samar, Samar at Eastern Samar sa araw ng Miyerkules.

Nag-abiso rin ang weather bureau na mapanganib pumalaot ang mga sasakyang-pandagat sa seaboards ng Northern Luzon at eastern seaboards ng Central Luzon, Southern Luzon at Visayas.

Sinabi ng PAGASA na inaasahan pa rin na lalakas pa ang bagyo at maging tropical storm sa susunod na 48 oras.

Read more...