P6.8-M halaga ng shabu, nasamsam sa Makati City

Nasamsam ang mahigit isang kilo ng hinihinalang shabu sa ikinasang operasyon ng mga otoridad sa Makati City, Martes ng hapon.

Isinagawa ang operasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office National Capital Region (PDEA RO-NCR) at Makati police sa Doña Carmen Street corner Kalayaan Avenue sa Barangay Poblacion bandang 4:00 ng hapon.

Batay sa ulat ng Makati police, nakilala ang mga suspek na sina Edison Pascual Chua at Brian James Macatangay Bantegui.

Nakuha sa mga suspek ang kontrabando na nagkakahalaga ng P6.8 milyon.

Ayon pa sa pulisya, ikinokonsidera ang dalawa bilang high-value target.

Dinala na ang mga suspek sa kustodiya ng PDEA.

Read more...