“Hindi lahat ng pensyonado ay mahihirap” – SSS

By Dona Dominguez-Cargullo, Len Montaño January 18, 2016 - 12:25 PM

INQUIRER PHOTO /RAFFY LERMA
INQUIRER PHOTO /RAFFY LERMA

Binigyang-katwiran ng Social Security System (SSS) ang hindi naisakatuparang P2,000 dagdag sa buwanang pensyon na inaasam-asam ng mga retiradong miyembro.

Sa isinagawang pulong balitaan, sinabi ni SSS Commissioner Michael Victor Alimurung, ginawa lamang ng Pangulong Benigno Aquino III ang alam niyang nararapat at tama batay sa mga impormasyon na na kaniyang nalamaman hinggil sa pondo ng SSS.

Sinabi ni Alimurung na hanga sila sa paninindigan ng pangulo na kahit maituturing na ‘unpopular’ ang kaniyang pasya ay mas pinili niyang huwag pirmahan ang panukalang batas kaysa naman masakripisyo ang SSS benefit system at ang nakararaming miyembro nito.

Paliwanag ni Alimurung, ang panukalang batas na magdaragdag ng P2,000 sa buwanang pensyon ng mga retirado ay pakikinabangan lamang ng 2 milyon nilang retired members.

Pero ani Alimurung, hindi dapat malaman ng publiko na “hindi naman lahat ng pensyonado ay mahihirap”.

Karamihan aniya sa mga pensyonado ay nakapagtrabaho ng matagal at nakapaghulog ng kontribusyon sa SSS sa matagal na panahon ng kanilang pagtatrabaho.

Nanindigan si Alimurung na kung hindi nagpasya si PNoy na i-veto ang panukalang batas ay magdudulot ito ng bankruptcy sa SSS sa taong 2027.

Dagdag pa ni Alimurong, mababa ang pension rate sa Pilipinas dahil mababa din ang kotribusyon na kanilang sinisingil.

Hindi rin aniya nangangahulugang dahil mayroon silang 32 milyong miyembro ay nakukulektahan nila ang lahat ng ito.

Sa sandali aniyang nag-contribute kahit isang beses lamang ang isang indbidwal ay magiging SSS member na siya. Pero hindi naman nangangahulugan na ang indbidwal na ito ay regular nang makakapagbayad ng kontribusyon.

Ani Alimurung, may mga miyembrong sa labis na kahirapan ay hindi na nasusundan ang paghuhulog ng kontribusyon.

Tumatak naman sa netizens ang pahayag ni Alimurung na ‘hindi naman lahat ng pensyonado ay mahihirap’.

Sa social media, agad inulan ng batikos mula sa mga netizens ang pahayag na ito ng nasabing opisyal. May ilan na nagsabing wala sa katwiran, insensitive at arogante si Alimurung.

Ang iba pa, ipinaalala sa SSS na ‘pera ng mga miyembro’ ang pinag-uusapan at hindi naman pera ng Gobyerno./ Dona Dominguez-Cargullo,

TAGS: SSS pension hike, SSS pension hike

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.