Duterte hindi makikisawsaw sa pagpili ng house speaker

By Chona Yu November 12, 2019 - 03:46 PM

File photo

Wala nang balak si Pangulong Rodrigo Duterte na makialam pa sa isyu ng term sharing sa speakership sa pagitan nina Congressmen Alan Peter Cayetano at Lord Allan Velasco.

Sa talumpati kagabi ng pangulo sa birthday party ng asawa ni Congressman velasco sa San Juan City, sinabi nito na bahala na ang mga kongresista kung paninindigan nila ang kanilang usapan.

Matatandaang si Pangulong Duterte ang nagrekomenda na magkaroon ng term sharing ang dalawa para maresolba na ang agawan sa speakership.

Manunungkulan si Cayetano ng 15 buwan habang si Velasco naman ay mauupong speaker sa loob ng 21 buwan.

Ayon sa pangulo, nasa kamay na ng mga mambabatas ang pagpili ng kanilang speaker.

TAGS: Cayetano, duterte, panelo, speaker, velasco, Cayetano, duterte, panelo, speaker, velasco

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.