LOOK: Sandara Park, nagdiwang ng ika-35 kaarawan sa Bohol

Lumipad ang Korean-pop star na si Sandara Park patungong Bohol.

Ito ay para ipagdiwang ang kaniyang ika-35 taong kaarawan.

Sa Instagram, nag-post si Dara ng ilang larawan sa kaniyang pamamasyal sa probinsya ng Bohol.

Ilan sa mga pinuntahan ng singer ay ang Chocolate Hills at Henann Resort Alona Beach.

Nagpasalamat din si Dara sa inihandang birthday decorations sa kaniyang kwarto sa resort sa Panglao.

Makikita sa larawan ang mga nakapalibot na rose petals sa kaniyang kama pati ang dalawang white beddings na hugis bibe at cake.

Unang napasabak sa showbiz si Dara matapos sumali sa “Star Circle Quest” taong 2004 at napasama sa sikat na K-pop girl group na 2NE1.

Read more...