LOOK: Ilang bahagi ng Lagusnilad underpass, muling pininturahan
Agad gumawa ng aksyon ang pamahalaang lokal ng Maynila para muling maayos ang ilang bahagi ng Lagusnilad underpass, Martes ng hapon.
Ito ay matapos makita ang bandalismo sa bagong linis na underpass malapit sa Manila City Hall.
Ilang tauhan ng Department of Engineering and Public Works (DEPW) at Department of Public Services ang muling nagpintura para takpan ang mga bandalismo sa lugar.
Makikita sa isang pader sa underpass ang kulay pulang pintura at sulat na “PRESYO, IBABA! SAHOD, ITAAS! – PS,” “DIGMAANG BAYAN SAGOT SA MARTIAL LAW – PS” at “ATIN ANG PINAS! US-CHINA LAYAS! – PS.”
Ikinalungkot din ng Manila Tourism and Cultural Affairs Bureau ang paglalagay ng bandalismo sa pinaghirapang ayusin na underpass.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.