outbrain

LOOK: Bagong linis at bagong pintura na Lagusnilad may bandalismo na

By Dona Dominguez-Cargullo November 12, 2019 - 12:36 PM

Pagkatapos ayusin, linisin at pinturahan ang Lagusnilad sa Maynila, nakitaan na ito ng bandalismo.

Sa mga larawang ibinahagi sa Facebook Page na “Bantay Maynila” makikita ang bandalismo sa bagong pinturang pader ng Lagusnilad.

Gamit ang kulay pulang pintura ay isinulat ang mga katagang “PRESYO, IBABA! SAHOD, ITAAS! – PS” ; “DIGMAANG BAYAN SAGOT SA MARTIAL LAW – PS” at “ATIN ANG PINAS! US-CHINA LAYAS! – PS”.

Ang nasabing post ay ibinahagi din ng Manila Tourism and Cultural Affairs Bureau sa kanilang Facebook.

Ayon sa Manila Tourism and Cultural Affairs Bureau nakalulungkot ang pangyayari dahil pinaghirapang ayusin atpagandahin ang Lagusnilad.

Sinabi rin ng naturang tourism office na hindi naman bandalismo ang sagot sa pagbabago at sa halip ay disiplina at pag-unawa ang kailangan para sa sa mas maunlad na Maynila.

TAGS: Lagusnilad, manila, Manila Tourism and Cultural Affairs Bureau, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, vandalism, Lagusnilad, manila, Manila Tourism and Cultural Affairs Bureau, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, vandalism

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.