6 na sundalo patay sa engkwentro sa NPA sa Eastern Samar

Patay ang anim na sundalo habang 20 pa ang sugatan sa engkwentro sa mga miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Borongan City, Eastern Samar.

Batay sa inisyal na ulat mula sa 8th Infantry Batallion ng Philippine Army nangyari ang sagupaan Lunes, Nov. 11 sa Barangay Pinanag-an.

Tinatayang aabot sa 50 miyembro ng NPA ang nakasagupa ng mga sundalo.

Sabay-sabay umanong sumabog ang anom na improvised explosive device dahilan para maraming sundalo ang masawi.

Mayroon namang isang nasawi sa panig ng mga rebelde.

Read more...