Nagbitiw na presidente ng Bolivia nagtungo na sa Mexico matapos mabigyan ng asylum
Makaraang mapagkalooban siya ng asylum nagtungo na sa Mexico ang nagbitiw na si dating Bolivian President Evo Morales.
Dumagsa na sa mga lansangan ng Bolivia ang mga tagasuporta at ang mga kritiko ni Morales matapos siyang magbitiw sa pwesto.
Inanunsyo ni Morales ang pagbaba sa pwesto noong Linggo kasunod ng mga alegasyong may anomalya sa katatapos na halalan noong Oct. 20.
Sa kaniyang tweet, sinabi ni Morales na masakit sa kaniyang iwan ang Bolivia dahil sa pulitikal na dahilan at nangakong babalik siya agad.
Kinumpirma ni Foreign Relations Secretary Marcelo Ebrard ng Mexico na sakay na ng eroplanong ipinadala ng Mexico City si Morales.
Ayon kay Ebrard ito ay para matiyak na ligtas ang biyahe ng nagbitiw na presidente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.