LPA sa Catanduanes isa nang ganap na bagyo; pinangalanang Ramon – PAGASA

By Dona Dominguez-Cargullo November 12, 2019 - 10:28 AM

Nabuo na bilang isang ganap na bagyo ang Low Pressure Area (LPA) na binabantayan ng PAGASA sa Virac, Catanduanes.

Ayon sa PAGASA, alas 8:00 ng umaga ng Martes, Nov. 12 naging tropical depression ang LPA at pinangalanan itong Ramon.

Sa weather forecast ng PAGASA, ang bagyong Ramon ay maaring makaapekto sa Northern, Central at Southern Luzon.

Bago maging ganap na bagyo ay nagdulot na ito ng kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa Bicol Region, buong Visayas, Northern Mindanao, Caraga at Zamboanga Peninsula.

TAGS: #RamonPH, Pagasa, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Tropical Depression, weather, #RamonPH, Pagasa, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Tropical Depression, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.