LP bet Mar Roxas, inindorso ni San Juan City Mayor Guia Gomez

Guia Endorsed m,ar
Kuha ni Marlon Ramos

Suportado ni San Juan City Mayor Guia Gomez si Liberal Party presidential bet Mar Roxas.

Si Gomez ay isa sa“partner” ni Manila Mayor Joseph Estrada at ina ni Senator JV Ejercito.

Sa flag-raising ceremony kanina sa San Juan na dinaluhan ni Roxas, sinabi ni Gomez na suportado niya at ng mga taga San Juan
si Roxas sa eleksyon. ”You have my support this elections and you have the support of San Juaneños,” ayon kay Gomez.

Binanggit din ni Gomez ang pagtulong ni Roxas sa San Juan noong siya ay kalihim pa ng Department of Interior and Local Government (DILG).

Matapos ang seremonya sabay na umakyat sa City Hall ng San Juan sina Roxas at Gomez at saka nagkaroon ng closed door meeting.

Si Gomez ay tumatakbo muling alkalde ng San Juan City para sa kaniyang ikatlong termino.

Makakalaban ni Gomez ang anak ni San Juan City Cong. Ronaldo Zamora na si Francis Zamora.

Napabalitang ang kandidatura ni Senator Grace Poe ang susuportahan ng pamilya Zamora.

Dating kaalyado ng mga Ejercito ang pamilya Zamora.

Read more...