Pangulong Duterte dumalaw sa burol nina Lucio ‘Bong’ Go Tan Jr. at John Gokongwei

By Chona Yu November 12, 2019 - 09:57 AM

Bagaman tambak ang trabaho, dumalaw si Pangulong Rodrigo Duterte sa burol ng dalawang business tycoon na pumanaw na.

Ayon kay Senator Bong Go, alas 11:30 ng Lunes (Nov. 11) ng gabi nang dumalaw ang pangulo sa burol ng business tycoon na si Gokongwei sa Hetitage Park sa Taguig.

Batay sa mga litrato na kuha ni Go, personal na ipinaabot ng pangulo ang kanyang pakikiramay sa pamilyang naulia ni Gokongwei.

Pumanaw si Gokongwei sa edad na 93 noong Sabado ng gabi.

Alas 12:30 naman ng madaling araw (nov. 12) nang magtungo ang pangulo sa burol ni Philippine Airlines Holdings President Lucio ‘Bong’ Tan Jr. na nasa Heritage Park din.

Makikita sa litrato na kausap ng pangulo ang ama ni Tan na si Ginoong Lucio Tan.

Pumanaw si Tan sa edad na 53 matapos mag-collapse sa paglalaro ng basketball noong Sabado.

Kasama ng pangulo sina Go at Presidential Spokesman Salvador Panelo.

TAGS: bong tan, heritage park taguig, john gokongwei, PH news, Philippine breaking news, president duterte, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, bong tan, heritage park taguig, john gokongwei, PH news, Philippine breaking news, president duterte, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.