Palagiang paggamit ng body cameras ng mga otoridad kinontra ni Speaker Cayetano
Sinopla ni House Speaker Alan Peter Cayetano ang pahayag ni Vice President Leni Robredo na kailangang gumamit ng body cameras ng mga operatiba sa tuwing maglulunsad ng anti-illegal drugs operations.
Ayon kay Cayetano na kailangan munang mapag-aralan ng husto ang siyensya sa paggamit ng naturang kagamitan, at maisaalang-alang ang mga karanasan ng mga security agencies sa ibang bansa pagdating dito
Para kay Robredo, mas mapoprotektahan ang buhay ng mga operatiba mula sa mga kasong wala namang basehan sa pamamagitan nang paggamit ng body cameras.
Subalit hindi sang-ayon dito si Cayetano dahil may mga pagkakataon na lalo lamang aniyang mailalagay sa peligro ang buhay ng mga operatiba kapag gagamit pa ng body cameras.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.