Pitong Private Emission Testing Centers sinuspinde ng DOTr dahil sa pamemeke ng resulta ng emission test

Pitong pribadong emission testing centers ang sinuspinde ng Department of Transportation (DOTr).

Ito ay makaraang mapatunayan ng kanilang Investigation Security and Law Enforcement Staff (ISLES) na namemeke ang mga ito ng resulta ng emisssion test.

Kabilang sa pinatawan ng suspensyon ang mga sumusunod:

1. NICOLE EMISSION TESTING CENTER
Purok 4, Brgy. 1, Calamba City, Laguna

2. RQG EMISSION TEST CENTER
97 P. Tuazon Blvd., Brgy. Kaunlaran, 1111, Quezon City

3. SIGMA SURE EMISSION TESTING CENTER
Brgy. Poblacion Sur, Sigma, Capiz

4. CLEARVIEW EMISSION TESTING CENTER
97 P. Tuazon Blvd., Brgy. Kaunlaran, Quezon City

5. NADINE EMISSION TESTING CENTER
Purok 3, Brgy. San Benito, Alaminos, Laguna

6. MJAS EMISSION TESTING CENTER
111 Quirino Highway, Brgy. Balon Bato, Quezon City

7. ESPINO AUTOMOTIVE SYSTEM
Rizal Avenue, Poblacion, Malasiqui, 2421, Pangasinan

Epektibo sa loob ng 90 araw ang suspensyon.

Inabisuhan din ng DOTr ang IT Service Provider ng pitong PETC para ihinto nito ang pagproseso ng anumang datos mula sa mga nasuspindeng kumpanya.

 

Read more...