LOOK: ‘Sapatos Festival’ sa Marikina City umarangkada na

By Dona Dominguez-Cargullo November 12, 2019 - 08:31 AM

Umarangkada na ang ‘Sapatos Festival’ sa tinaguriang shoe capital ng bansa na Marikina City.

Sa taunang festival, mabibili ang mga sapatos at iba pang leather products na likha ng mga sapatero ng Marikina.

Pinangunahan ni Marikina City Mayor Marcy Teodoro ang pag-uumpisa ng selebrasyon.

Ang shoe bazaar ay matatagpuan sa Freedom park sa lungsod.

48 shoe at leather products manufacturers ang lumahok sa festival ngayong taon na tatagal hanggang sa December 29, 2019.

Mabibili ang mga sapatos at leather goods sa halagang P200 hanggang P3,000.

Kasabay nito hinimok ng pamahalaang lungsod ng Marikina ang publiko na tangkilikin ang ang lokal na produkto.

TAGS: leather shoes, Marikina City, Marikina City Mayor Marcy Teodoro, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Sapatos Festival, Tagalog breaking news, tagalog news website, leather shoes, Marikina City, Marikina City Mayor Marcy Teodoro, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Sapatos Festival, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.