Mga taga-ICC at UN hindi papayagan ng Malakanyang na makapag-imbestiga sa drug war

Hindi hahayaan ng Malakanyang na makapasok sa bansa sina International Criminal Court prosecutor Fatou Bensouda at United Nations Rapporteur Agnes Callamard para imbestigahan ang umano’y extra judicial killings bunsod ng madugong giyera kontra sa illegal na droga.

Ito ay kahit na pumayag pa ang bagong talagang co-chairperson ng inter-agency committee on anti-illegal drugs na si Vice President Leni Robredo.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, hindi pa man nakapupunta sa Pilipinas at hindi pa man nagsisimula ang pormal na imbestigasyon, buo na ang konklusyon ng mga taga ICC at UN na may EJK sa Pilipinas.

Sinabi pa ni Panelo na nais sana ni Pangulong Rodrigo Duterte na mga open-minded at may objective ang mga dayuhang mag iimbestiga sa drug war.

Sa kaso aniya Bensouda, hindi ito maaring pumunta sa Pilipinas dahil lalabagin niya ang sariling batas ng ICC.

Nakasaad aniya sa ICC na maari lamag magsagawa ng preliminary examination base sa mga dokumentong ipinasa sa kanila.

Nahaharap sa kasong crimes against humanity si Pangulong Duterte sa ICC dahil sa madugong drug war sa Pilipinas.

Read more...