Delivery van na may kargang tube ice tumagilid sa EDSA-Annapolis

By Dona Dominguez-Cargullo November 12, 2019 - 07:54 AM

Isang delivery van na may kargang tube ice ang tumagilid sa kanto ng EDSA-Annapolis sa Quezon City.

Nangyari ang aksidente alas 6:00 ng umaga ng Martes (Nov. 12) dahilan para hindi agad madaanan ng mga sasakyan ang bahagi ng Annapolis palabas ng EDSA.

Nagdulot ito ng matinding pagsisikip sa daloy ng traffic dahil hindi agad naialis ang tumagilid na delivery van.

Aksidente, nagdudulot na ng pagbibigat sa daloy ng trapiko sa bahagi ng EDSA-Annapolis

Pasado alas 7:30 na ng umaga nang maialis sa lugar ang tumagilid na delivery van.

Para naman hindi masayang, ang mga tube ice na nasa loob ng delivery van ay pinamigay na lamang.

TAGS: accident, Annapolis, edsa, mmda, PH news, Philippine breaking news, quezon city, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, accident, Annapolis, edsa, mmda, PH news, Philippine breaking news, quezon city, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.