Mahigit 20 motorista, nasita sa unang araw ng paghihigpit ng yellow lane sa EDSA

By Dona Dominguez-Cargullo, Ricky Brozas January 18, 2016 - 10:47 AM

12557850_1312927542054484_1643434810_o
Kuha ni Ricky Brozas

Mahigit 20 mga motorista na ang nasita ng mga tauhan ng PNP-Highway Patrol sa unang araw ng pagpapatupad ng mas mahigpit na polisiya sa yellow lane sa EDSA.

Simula kaninang umaga bawal na ang mga pribadong sasakyan sa yellow o bus lane mula Shaw Blvd. hanggang sa Buendia sa EDSA

Sa ngayon umabot na sa mahigit 20 ang nasita. Hindi pa muna iniisyuhan ng ticket ang mga lumalabag at sa halip ay pinagsasabihan lamang.

Ayon kay MMDA Chairman Emerson Carlos, maayos naman ang unang araw ng paghihigpit sa yellow lane at bumilis ang daloy ng trapiko sa partikular na linya.

Apektado aniya ang mga private vehicles dahil hindi na sila pwedeng umalis sa tatlong linyang inilaan para sa mga pribadong sasakyan maliban na lamang kung kailangan nilang kumanan para umalis sa EDSA.

Kung tuluyang maiisyuhan ng traffic violation, sinabi ng MMDA na P500 ang multa na ipapataw sa mga lalabag na motorista.

Ang mga tauhan ng HPG ang sisita at magpapatabi sa mga lumalabag habang ang mga babaeng MMDA traffic constables naman ang huhuli o mag-iisyu ng ticket sa kanila.

TAGS: yellow lane along edsa, yellow lane along edsa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.