WATCH: GMA network inilunsad na ang kanilang Christmas ID

November 12, 2019 - 06:22 AM

Kapwa inilunsad na ng Kapuso network ang kanilang Christmas Station ID tampok ang iba’t ibang kwento ng mga tagumpay at pagsusumikap.

Taun-taong inaabangan ng publiko ang Christmas Station ID ng Kapuso at Kapamilya network.

Ngayong taon ang titulo ng kanta para sa Christmas Station ID ng GMA ay “Love Shines” na nagpapakita ng kabuluhan at kahalagahan ng pagtulong sa kapwa lalo na kapag Pasko.

Una itong umere, Linggo (Nov. 11) ng gabi bago ang programang “Kapuso Mo, Jessica Soho”.

Inumpisahan ang Christmas Station ID sa mga mensahe mula kina Jessica Soho, Dingdong Dantes, Marian Rivera, Mel Tiangco, Tom Rodriguez, Jennylyn Mercado, Heart Evangelista, Carla Abellana, Derek Ramsey, Michael V, Mike Enriquez, at Alden Richards.

Itinampok din ang kwento ng tagumpay at pagsusumikap ng mga Filipino kabilang ang kwento ng isang 55 anyos na ina na araw-araw binubuhat ang anak na may kapansanan papasok sa eskwelahan.

Isa rin sa itinampok ang istorya ng mga bata sa Tondo na namumulot ng mga nahulog at tira-tirang gulay sa Divisoria at kanilang ibinebenta para may maibaon sa bahay at panggastos sa bahay.

Kasama din ang 6 na taong gulang na bata mula sa mahirap na pamilya na napanood sa Wowowin at naitampok sa Kapuso Mo, Jessica Soho.

Maraming iba pang kwento ng mahihirap na pamilya at kwentong tagumpay ang tampok sa Christmas station ID.

Ang “Love Shines” ay inawit nina Alden Richards, Jennylyn Mercado, Heart Evangelista, Lovi Poe, Gabbi Garcia, Christian Bautista, Kyline Alcantara, Rayver Cruz, Rita Daniela, Ken Chan, Bianca Umali, Glaiza de Castro, Derrick Monasterio, Dennis Trillo, Tom Rodriguez, Julie Anne San Jose, Mark Bautista, Aicelle Santos, Golden Canedo at iba pang finalists ng The Clash.

Kumpleto din ang mga celebrity ng GMA network kabilang ang mga host ng Eat Bulaga.

Simula nang iupload sa Youtube, Linggo ng gabi ay mahigit 270,000 na ang views nito.

 

TAGS: Christmas Station ID, gma network, Love shines, Christmas Station ID, gma network, Love shines

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.