WATCH: Regine na-starstruck kay Catriona Gray

Walang nagawa kundi tumunganga at mangiti si Asia’s Songbird Regine Velasques sa ganda ni Miss Universe Catriona Gray.

Viral ngayon sa social media ang video kung saan makikita ang pagka-starstruck ng singer sa beauty queen habang pareho silang nasa stage ng Philippine Arena.

Si Velasquez at Gray ay kapwa nagtanghal sa concert na inorganisa ng Frontrow noong Sabado.

Caption ng uploader ng video na si Nhoie Gurrobat, ‘yaan mo Regine, hindi ka nag-iisa. Ramdam ka namin, ramdam na ramdam.”

Daan-daang netizens ang humanga kay Velasquez dahil sa umano’y kababang loob nito na makikita sa kanyang expressions sa kabila ng pagiging malaking personalidad sa showbiz.

“I can see her sincere admiration to Catriona. So humble yet so grand. I love you even more Regine,” ani Armand Borromeo Curameng.

“Hahaha omgggg songbirrrrdddd i love youuu moreee! Shes sooo stunnnedddd by Cat,” sabi ni Bret Garcia.

“Humility at its finest,” ayon naman kay Ambo Bacarro.

Ang viral video ay mayroon na ngayong halos 1 million views, halos 70,000 reactions at higit 43,000 shares.

Read more...