Ayon sa 4am weather update ng PAGASA, huling namataan ang LPA sa layong 910 kilometro Silangan ng Virac, Catanduanes.
Malaki ang posibilidad na maging bagong bagyo ang LPA at papangalanan itong ‘Ramon’.
Pinaghahanda na ng PAGASA ang Northern, Central at Southern Luzon bunsod ng sama ng panahon.
Ngayong araw, dahil sa northeast monsoon o Amihan, makararanas ng makulimlim na panahon na may mahihinang pag-ulan sa Northern Luzon at Central Luzon.
Dahil naman sa LPA. kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat ang mararanasan sa Bicol Region, buong Visayas, Northern Mindanao, Caraga at Zamboanga Peninsula.
Sa Metro Manila at nalalabing bahagi naman ng bansa, mainit na panahon ang mararanasan na may posibilidad ng mga panandaliang pag-ulan lalo na sa hapon o gabi bunsod ng localized thunderstorms.
Nakataas ngayon ang gale warning at ipinagbabawal ang paglalayag sa baybaying dagat ng mga sumusunod na lugar:
- Batanes
- Calayan
- Babuyan
- Cagayan
- Ilocos Norte
- Ilocos Sur
- Isabela
- Aurora
- Camarines Provinces
- Catanduanes
- Eastern coast ng Albay
- Eastern coast ng Sorsogon
- Eastern coast ng Quezon kasama ang Polilio Island