Hailstorm nanalasa sa Makilala, Cotabato

By Rhommel Balasbas November 12, 2019 - 04:31 AM

Screengrab of Endricito Cahutay video

Matapos ang mga pagyanig, may dagdag-pasakit na naranasan ang mga residente ng Makilala, North Cotabato, araw ng Lunes.

Ito ay matapos manalasa ang hailstorm at tangayin ng malakas na hangin ang temporary shelters ng quake victims.

Sa viral video ni Endricito Cahutay sa Facebook, makikita kung paanong pinataob ng malakas na hangin ang temporary tents na gawa sa mga trapal at walang nagawa ang mga residente kung hindi maligo sa ulan.

Ayon kay Gov. Shirlyn Macasarte apat na evacuation camps ang sinalanta ng hailstorm.

Ito ay ang evacuation sites sa Barangay Poblacion Elementary School, Saguing Elementary School, Mindanao Institute of Science and Technology at Santos Lands.

Inihahanda na anya ng lokal na pamahalaan ang relocation ng mga residente sa mas ligtas na lugar.

Tumagal ng 15 minuto ang malakas na pag-ulan at naputol ang mga puno sa mga kalsada sa Brgy. Saguing at Malasila.

TAGS: hailstorm, lindol, makilala, North Cotabato, temporary shelters, viral video, hailstorm, lindol, makilala, North Cotabato, temporary shelters, viral video

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.