Morissette Amon nag-public apology matapos magwalk-out sa isang concert

By Rhommel Balasbas November 12, 2019 - 03:46 AM

FB photo

Matapos ang ilang araw na pananahimik, humingi ng paumanhin ang Kapamilya singer at ‘Akin Ka Na Lang’ hitmaker na si Morissette Amon.

Ito ay kaugnay ng kanyang pag-walk out sa birthday concert ng newbie sa showbiz na si Kiel Alo sa Music Museum.

Sa public apology na naka-post sa kanyang official Facebook at Instagram accounts, partikular na humingi ng paumanhin si Amon kina Jobert Sucaldito at Alo.

Nagpaliwanag ang Asia’s Phoenix na naapektuhan siya ng surprise interview ng ABS-CBN showbiz reporter na si Mario Dumaual.

Natanong ang singer ukol sa isyu niya at ng kanyang pamilya.

Giit ni Amon, ang isyu sa kanyang pamilya ay isang bagay na hindi pa niya kayang ibahagi sa takot na hindi maresolba ang kanilang mga sigalot.

Gayunman, sinabi ng singer na inaako niya ang lahat ng responsibilidad sa kanyang pag-alis sa concert at hindi umano siya naging patas para sa mga nag-abang sa kanyang presensya sa entablado.

Humingi rin ng paumanhin si Amon kay Dumaual na anya’y ginagawa lang naman ang kanyang trabaho bilang mamamahayag.

Sa huli, nanawagan ang singer ng panalangin para sa pagkakaayos ng kanyang pamilya.

Nagpasalamat siya sa suporta at pagmamahal na natanggap lalo na sa kasalukuyang sitwasyon ng kanyang buhay.

Nagbigay din si Amon ng mensahe sa mga kagaya niyang nakararanas ng mga problema at sinabing hindi sila nag-iisa.

TAGS: apology, birthday concert, Jobert Sucaldito, Kiel Alo, Mario Dumaual, Morissette Amon, paumanhin, sorry, walk out, apology, birthday concert, Jobert Sucaldito, Kiel Alo, Mario Dumaual, Morissette Amon, paumanhin, sorry, walk out

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.