Malakanyang OK sa pagtanggal ng Oplan Tokhang
Ayos lang sa Palasyo ang nais na hakbang ni Vice President Leni Robredo na alisin na ang Oplan Tokhang.
Ayon sa Malakanyang, ipapaubaya nila sa pangalawang pangulo ang mga hakbang nito sa drug war.
“It is a yes — if she wants it. VP Leni is in charge, so whatever she feels that should be enforced, we will do it,” ani Presidential Spokesman Salvador Panelo sa press briefing araw ng Lunes.
Pahayag ito ng administrasyon kasunod ng panukala ni Robredo na bumuo ng bagong kampanya laban sa iligal na droga.
“Well, as we have said we will give her all that she needs… As I said in my statement she should be given wide latitude and she should pursue her own scheme of things in pursuing the drug war initiated by this administration,” dagdag ng kalihim.
Una nang sinabi ng bise presidente na huwag nang gamitin ang terminong Tokhang dahil hindi naging maganda ang pakahulugan nito.
Ito ay kahit sinabi ng pulisya na isa lamang itong imbitasyon sa drug personality para sumuko.
Pero matapos italagang drug czar si Robredo ay bukas ang Palasyo na tanggalin ang Tokhang kung magiging epektibo umano ito sa war on drugs.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.