Tourist spots sa Malaysia, target umano ng mga terorista

Photo from kuala-lumpur.ws
Photo from kuala-lumpur.ws

Target umano ng mga terorista ang mga lugar na paboritong puntahan ng mga turista at gayundin ang mga mall sa Malaysia.

Ito ang inihayag ni Malaysia Federal Territories Minister Tengku Adnan Tengku Mansor kasunod ng pagkakadakip sa apat na hinihinalang kasapi ng Islamic State in Iraq and Syria noong nakaraang linggo.

Sinabi ng opisyal na kabilang sa mga target ng mga terorista ang mga lugar na popular sa mga turista gaya ng Bukit Bintang at ang Kuala Lumpur City Center o KLCC.

Gayundin ang mga mall sa mga high-end residential areas gaya ng Sri Hartamas, Bangsar, Solaris at Mutiara Damansara. “We are aware of the threats and we are on standby for any possible event,” ayon sa opisyal.

Sa The Curve mall sa Mutiara Damansara, nagdagdag na ng seguridad partikular ang mga nagpapatrulya sa palibot ng mall.

Ilang residente sa Kuala Lumpur ang nagsimula na ring maging maingat sa kanilang paglabas-labas mula ng madakip ang apat na suspek.

Ayon kay Chong Ee Ven, 29 anyos at isang advertising executive, mas pinipili niya at kaniyang mga kaibigan na magkita-kita sa hindi mataong lugar.

Read more...