Dagdag-bawas sa presyo ng petrolyo epektibo na

By Rhommel Balasbas November 12, 2019 - 02:14 AM

Epektibo na ngayong Martes ang dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo ng karamihan sa mga oil companies.

Lahat ng kumpanya ng langis ay may bawas na P0.15 sa presyo ng kada litro ng diesel.

Ang Caltex, Cleanfuel, Petron at Phoenix Petroleum ay may P0.85 dagdag-presyo sa kada litro ng gasolina.

Mas mababa nang kaunti ang price hike sa gasolina ng Shell at Petro Gazz na umabot lamang sa P0.80 kada litro.

Ang gaas o kerosene naman ng Caltex ay Petron ay may tapyas na P0.10 kada litro habang ang Shell ay umabot sa P0.15 kada litro.

Una nang nagpatupad ng price adjustment ang Caltex kaninang alas-12:01 ng hatinggabi na susundan ng Petron, Phoenix Petroleum, Shell at Petro Gazz mamayang alas-6:00 ng umaga.

Ang Cleanfuel naman ay epektibo ang dagdag-bawas alas-12:01 pa ng hatinggabi ng Miyerkules, November 13.

 

TAGS: dagdag-bawas, diesel, epektibo na, gasolina, kerosene, produktong petrolyo, dagdag-bawas, diesel, epektibo na, gasolina, kerosene, produktong petrolyo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.