Delay sa pagbili ng body cams para sa drug war dahil sa pangingikil ng 3 pulis
Inihayag ng Philippine National Police (PNP) na extortion o pangingikil ng ilang pulis ang dahilan kaya nabalam ang pagbili ng mga body cameras na gagamitin dapat sa operasyon kontra droga.
Sinabi ni PNP Officer in Charge Police Lt. Gen. Archie Garcia araw ng Lunes na tatlong miyembro ng technical working group na may ranggong police major ang nanghingi ng lagay na P5 milyon mula sa isa sa mga bidders.
Ang mananalong bidder ang magiging supplier ng 300 body cams na nagkakahalaga ng P334 milyon.
Nalaman ni Gamboa ang pangingikil ng mga pulis noong siya pa ang chairman ng Bids and Awards Committee (BAC).
Sinibak na anya sa pwesto sina Police Majors Emerson Sales, Rholly Caraggayan at Angel Beros.
Itinuloy anya ang proseso ng procurement kaya umaasa ang PNP na magagamit na ang mga body cameras sa huling bahagi ng taong 2022.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.