Magkasunod na lindol naitala sa Davao del Sur at Surigao del Sur

By Rhommel Balasbas November 12, 2019 - 01:00 AM

Halos magkasunod na pagyanig ang naitala sa Davao del Sur at Surigao del Sur Lunes ng gabi.

Alas-11:16 ng gabi ng tumama ang magnitude 3.2 na lindol sa 60 kilometro Hilagang-Silangan ng Bayabas, Surigao del Sur.

May lalim itong siyam na kilometro.

Sa kaparehong oras din, magnitude 3.1 naman ang tumama sa 15 kilometro Timog-Silangan ng Davao City.

May lalim naman itong 22 kilometro.

Tectonic ang dahilan ng mga pagyanig na hindi naman nagdulot ng pinsala sa ari-arian at wala ring inaasahang aftershocks.

 

TAGS: aftershocks, Bayabas, Davao City, Davao del Sur, lindol, magnitude 3.1, Magnitude 3.2, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, surigao del sur, aftershocks, Bayabas, Davao City, Davao del Sur, lindol, magnitude 3.1, Magnitude 3.2, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, surigao del sur

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.