Malacañang naglinaw, Duterte magtratrabaho sa bahay sa Davao
Kumambyo ang Palasyo ng Malacañang sa naging unang pahayag na tatlong araw na magpapahinga sa trabaho si Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa pahayag Lunes ng gabi, sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na hindi susunod ang presidente sa payo ng mga kaibigan na magpahinga na muna.
Magtratrabaho anya ito sa sariling bahay sa Davao City para sa paperworks.
“I just talked with the President. He will not be on leave, he will continue with his work in his Davao (home). The President has declined the suggestion of well-meaning friends to have a rest for a few days,” ani Panelo.
Agad na lilipad patungong Davao si Duterte matapos dumalo sa burol ng yumanong John Gokongwei, Jr.
“The Chief Executive will fly to Davao tonight after attending the wake of the late John Gokongwei, Jr. at the Heritage and will continue working at his residence there,” ayon sa kalihim.
Una nang sinabi ni Panelo sa press briefing sa Malacañang na magkakaroon ng three-day break ang pangulo simula ngayong Martes, November 12.
Sinabi naman ng kalihim na makasasabay si Duterte sa ‘demands’ ng kanyang trabaho bilang pinuno ng bansa.
“While the demands of pressing work that go along with the highest position of the land are unceasing, the people can rest assured that the President can keep up with the same and is in the best position to know how he can maintain to be on top of his health,” dagdag ni Panelo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.