Lookout order vs suspect sa pagpatay sa broadcaster sa Negros inilabas ng BI
Naglabas ang Bureau of Immigration ng lookout bulletin laban sa isa sa mga arestadong suspects sa pagpatay sa broadcaster sa Negros Oriental na si Dindo Generoso.
Ang BI lookout bulletin ay laban sa suspect na si Tomasino Aledro.
Ang hakbang ng ahensya ay matapos itong hilingin ni Communications Secretary Martin Andanar.
Ayon kay Andanar inilagay sa lookout bulletin order si Aledro mula pa noong November 8.
“I immediately requested Justice Secretary Menard Guevarra, our PTFoMS Chair, to direct the Bureau of Immigration to issue a Look-Out Bulletin Order. Aledro was placed on the list since Friday, November 8,” pahayag ni Andanar sa isang press release.
Inutusan naman ng kalihim ang Office of the City Prosecutor (OCP) sa Dumagute na agad kumuha ng Hold Departure Order (HDO) laban sa ibang suspects na hindi pa naaaresto.
Layon ng HDO na hindi makalabas ng bansa ang mga suspects.
Si Aledro ang may-ari ng sasakyan na ginamit sa pagpatay kay Generoso sa Dumaguete City noong November 7.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.