2 pang Filipino seafarer, na-kidnap sa West Africa – DFA

By Angellic Jordan November 11, 2019 - 06:33 PM

Photo grab from @DFAPHL/Twitter

Na-kidnap ang dalawa pang Filipino seafarer sa Togo, West Africa ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Sa inilabas na pahayag, sa pamamagitan ng Embahada ng Pilipinas sa Abuja, nakatanggap ang kagawaran ng ulat ukol sa panibagong piracy incident sa nasabing bansa.

Dahil dito, aabot na sa kabuuang 11 ang na-kidnap na Filipino seafarers sa West Africa.

Kabilang dito ang napaulat na pag-kidnap sa siyam na iba pa sa Benin noong nakaraang linggo.

Masusi namang tinututukan ng gobyerno ng Pilipinas ang naturang kaso.

Patuloy na nakikipag-ugnayan ang Embahada ng Pilipinas sa Abuja sa mga otoridad para matiyak ang kaligtasan at seguridad ng mga Filipino seafarer sa lugar.

Nakikipag-ugnayan din ang DFA sa manning agency ng mga biktima.

TAGS: DFA, Kidnapping, Philippine Embassy in Abuja, West Africa, DFA, Kidnapping, Philippine Embassy in Abuja, West Africa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.