Duterte magbibigay ng appointment paper kay Robredo bilang drug czar

By Chona Yu November 11, 2019 - 06:01 PM

INQUIRER PHOTO/JOAN BONDOC

Tiniyak ng Malacanang na may ilalabas na appointment paper si Pangulong Rodrigo Duterte para gawing pormal ang panunungkulan ni Vice President Leni Robredo bilang co-chairman ng inter-agency committee on illegal drugs.

Ayon kay presidential spokesman Salvador Panelo, cabinet rank kasi ang alok ng pangulo kay Robredo apra maging drug czar.

Sinabi pa ni Panelo na kapag miyembro na ng gabinete si Robredo, hindi na nito kailangan na padalhan ng pormal na imbitasyon para sa mga cabinet meeting.

Kung hindi naman aniya makadadalo ang isang miyembro ng gabinete ay kailangan lamang nitong mag-abiso sa cabinet secretary.

Kasabay nito, sinabi ni Panelo na kapag naging miyembro na ng gabinete si Robredo ay otomatikong isasalang sa performance evaluation ang kanyang trabaho.

Kapag aniya hindi nakuntento ang pangulo sa performance ng isang gabinete ay may tsansa itong masibak sa puwesto.

“Lahat naman pwede eh, Presidente sya eh. Everybody holds office at the pleasure of the President, all of us know that”,dagdag pa ng kalihim.

TAGS: Appointment paper, drug czar, duterte, Leni Robredo, panelo, performance evaluation, Appointment paper, drug czar, duterte, Leni Robredo, panelo, performance evaluation

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.