WATCH: Rappler CEO report tinawag na exaggerated ng Malacanang

Inquirer file photo

Kalabisan ang ginawang paglalarawan ni Rappler chief executive officer Maria Ressa na mas malala pa sa warzone ang sitwasyon ng media sa Pilipinas ayon sa Malacanang.

Sinabi ni presidential spokesman Salvador Panelo na warzone lamang na maituturing ang Pilipinas para sa mga drug personalities na patuloy na nanlalaban sa mga inihahaing warrant of arrest o target ng buy bust operation na naglalagay sa peligro sa buhay ng mga law enforcer.

“As Maria, my friend, is wont, she is always exaggerating. Its only a war zone to those who are involved in drugs and who resist violently any warrant of arrest being served them. Or when they are the subject of a buy bust operation and they violently resist as well as imperil the lives of the law enforcement officers”, paliwanag ng opisyal.

Iginiit pa ni Panelo na ligtas naman ang mga mamamahayag sa Pilipinas.

Katunayan, malayang nakapag-cover sa ang mga local at foreign journalists.

Nakalalabas pa naman aniya ng buhay ang mga mamamahayag pagkatapos ng coverage at nakapagbibigay pa ng magandang balita kahit na ang iba ay sobra-sobra ang pagbabalita.

Narito ang buong ulat ni Chona Yu:

Read more...