Konstruksyon ng MRT-7, halos 50 porsyento nang tapos – DOTr

By Angellic Jordan November 11, 2019 - 04:56 PM

Halos 50 porsyento nang tapos ang konstruksyon sa Metro Rail Transit Line 7 (MRT-7).

Ayon sa Department of Transportation (DOTr), sa pagtatapos ng buwan ng Oktubre, nasa 49.22 porsyento nang tapos ang paggawa sa MRT-7.

Base sa pinakahuling project status report, nagsasagawa na ng civil works sa underground/depressed, at-grade, at elevated guideway.

Puspusan na rin ang civil works sa siyam sa kabuuang 14 na istasyon.

Tuloy din naman ang trackworks installation sa 22-kilometer project.

Oras na makumpleto ang proyekto sa taong 2022, mula sa dalawa hanggang tatlong oras na biyahe, aabutin na lamang ng 35 minuto para makapunta mula Quezon City hanggang San Jose Del Monte sa Bulacan at pabalik.

TAGS: Bulacan, BUsiness, construction, MRT 7, quezon city, san jose del monte, Bulacan, BUsiness, construction, MRT 7, quezon city, san jose del monte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.