1 timbog sa buy-bust operation sa Negros Oriental

Photo credit: PDEA RO-Central Visayas/Facebook

Arestado ang isang drug suspect sa ikinasang buy-bust operation sa Sibulan, Negros Oriental Linggo ng hapon.

Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Regional Office-Central Visayas, nahuli ang suspek na si Nicolas Omoli, 39-anyos, ang operasyon sa Brgy. San Antonio bandang 3:00 ng hapon.

Nakumpiska sa operasyon ang tatlong pakete ng hinihinalan shabu na nagkakahalaga ng P6,800.

Maliban dito, nakuha rin kay Omoli ang isang pakete ng sigarilyo at ginamit na buy-bust money.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Article 2 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Read more...