Mahigit 7,000 moro binigyan ng tulong medikal ng BARMM-MOH
Pinangunahan ng Ministry of Health ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao ang massive medical mission sa mahigit pitung libong (7,000) Moro na dumalo sa 639th Founding Anniversary ng Shiekh Almakhdum Mosque sa Municipality of Simunul, Tawi-Tawi.
Maliban sa medical consultation, Kabilang sa mga ipinagkaloob na serbisyo ay Circumcision, dental services, eye screening, at blood sugar testing.
Libre rin na ipinamahagi ang mga gamot para sa common illnesses at vitamin deficiency ng mga residente ng mga residente ng Tawi-Tawi.
“Celebrations like this provide perfect opportunity for us to deliver to thousands of our brothers and sisters the TABANG (Tulong Alay sa Bangsamorong Nangangailangan) humanitarian program of BARMM’s Chief Minister Al-Hajj Murad,” saad ni Minister of Health Dr. Saffrula M. Dipatuan.
Kagad din na binigyan ng mga paunang lunas ang mga matatanda na hinimatay habang idinadaos ang selebrasyon.
Pangkalahatan namang naging mapayapa ang selebrasyon.
Sa kasaluyan, ang BARMM-MOH ay nagkakaloob din ng medical services, medicines, at food supplies sa mga pamilya na apektado ng Magnitude 6.6 na lindol sa lalawigan ng Cotabato.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.