Metro Manila, mga kalapit na lalawigan uulanin sa susunod na mga oras

By Dona Dominguez-Cargullo November 11, 2019 - 01:51 PM

Makararanas ng pag-ulan sa susunod na mga oras ang Metro Manila at mga kalapit na lalawigan.

Sa inilabas na thunderstorm advisory ng PAGASA ala 1:39 ng hapon, Nov. 11 ay katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan ang mararanasan sa Metro Manila, Tarlac, Bataan, Pampanga, Bulacan, Laguna, Batangas at Rizal.

Ayon sa PAGASA ganitong lagay na rin ng panahon ang nararanasan sa Palauig, Iba, Botolan, San Marcelino, Subic at Olongapo sa Zambales at sa Real, Burdeos at Patnanungan sa Quezon.

Pinapayuhan ang mga residente na maging maingat sa posibleng pagkakaroon ng flash floods o landslides sa kasagsagan ng malakas na ulan.

TAGS: Metro Manila, mga kalapit na lalawigan, Pagasa, thunderstorm advisory, uulanin, Metro Manila, mga kalapit na lalawigan, Pagasa, thunderstorm advisory, uulanin

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.