Indiana Pacers nasungkit ang ikatlong sunod na panalo

Nakaahon sa tuluyang pagkakalubog ang Indiana Pacers laban sa Orlando Magic sa score na 109-102.

Halos ilampaso ang Pacers sa unang bahagi ng laban nang makalamang ng siyam na puntos ang host team sa score na 60-51.

Sa pagbubukas ng second half, napakitid ang lamang ng Orlando nang magpaulan ng bola sina T.J. Warren at Malcolm Brogdon na gumawa ng tig-19 na puntos sa huling 24 minuto na dinagdagan ng 18 puntos ni Doug McDermott.

Hindi halos naka-score ang Magic sa 3rd quarter dahilan para tuluyang angkinin ng Pacers ang tagumpay at maitala ang ikatlong sunod na panalo.

Nakabawi ang Orlando sa five-point advantage bago umarangkada sina McDermott at Justin Holiday na muling nagbaon ng magkasunod na 3-pointers para sa 81-77 na bentahe ng Pacers hanggang sa huling 12 minuto.

Read more...