Indiana Pacers nasungkit ang ikatlong sunod na panalo

By Jimmy Tamayo November 11, 2019 - 12:16 PM

Nakaahon sa tuluyang pagkakalubog ang Indiana Pacers laban sa Orlando Magic sa score na 109-102.

Halos ilampaso ang Pacers sa unang bahagi ng laban nang makalamang ng siyam na puntos ang host team sa score na 60-51.

Sa pagbubukas ng second half, napakitid ang lamang ng Orlando nang magpaulan ng bola sina T.J. Warren at Malcolm Brogdon na gumawa ng tig-19 na puntos sa huling 24 minuto na dinagdagan ng 18 puntos ni Doug McDermott.

Hindi halos naka-score ang Magic sa 3rd quarter dahilan para tuluyang angkinin ng Pacers ang tagumpay at maitala ang ikatlong sunod na panalo.

Nakabawi ang Orlando sa five-point advantage bago umarangkada sina McDermott at Justin Holiday na muling nagbaon ng magkasunod na 3-pointers para sa 81-77 na bentahe ng Pacers hanggang sa huling 12 minuto.

TAGS: basketball, Indiana Pacers, NBA, Orlando Magic, PH news, Philippine breaking news, sports, Tagalog breaking news, tagalog news website, basketball, Indiana Pacers, NBA, Orlando Magic, PH news, Philippine breaking news, sports, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.