Patay sa pananalasa ng bagyong Quiel umakyat na sa 6 – NDRRMC

By Dona Dominguez-Cargullo November 11, 2019 - 12:12 PM

Anim na katao ang naitalang nasawi sa pananalasa ng bagyong Quiel na nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), apat ang nasawi sa Cagayan – dalawa ang nalunod, 1 ang nakuryente at 1 ang nasawi sa landslide.

Dalawa pa sa nasawi ay dahil din sa landslide sa Apayao.

Sa ngayon mahigit 900 pamilya pa ang nananatili sa mga evacuation center sa Cagayan Valley at Cordillera.

Una nang sinabi ng Cagayan Provincial Office na mahigit 39,000 na katao ang naapektuhan sa lalawigan dahil sa pag-ulan at pagbaha.

TAGS: Bagyo, Cagayan, PH news, Philippine breaking news, Quiel, Tagalog breaking news, tagalog news website, weather, Bagyo, Cagayan, PH news, Philippine breaking news, Quiel, Tagalog breaking news, tagalog news website, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.