62 anyos na taxi driver, natangayan ng minamanehong taxi sa QC

taxi
File Photo

Tinangay ng hindi pa nakikilalang suspek ang minamanehong taxi ng 62-anyos na taxi driver na si Diego Abulog.

Kuwento ng biktima sa imbestigador ng Traffic Sector 5 ng Quezon City Police District (QCPD, naganap ang insidente kaninang madaling araw.

Ayon kay Abulog, pasado alas 3:30 ng madaling araw nang sumakay sa kaniya ang suspek sa bahagi ng Adriatico, Malate, Maynila.

Sa kaniyang pagtaya, nasa edad 25 hanggang 30 anyos ang lalaki, at malaki ang pangangatawan.

Nagpahatid umano ito sa Old Balara, Quezon City.

Pero pagsapit ng Capitol Drive ay nagdeklara ang suspek ng holdap saka nirendahan siya na bumaba sa kaniyang taxi sabay pinaharurot ang sasakyan.

Ayon pa kay Mang Diego, problema niya ngayon kung paano ipapaliwanag sa kanyang operator ng CEOTA taxi na may plakang UWV 609 ang nasabing pangyayari.

Read more...